Friday, March 10, 2017

FILIPINO: sample writing 02 (news)

Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan
ni Charisse Uy

(balitang isinulat at ipinasa para sa Alinaya, ang pahayagan ng Departamento ng Filipino ng DLSU at bilang isang tugon sa mga kahilingan ng kursong FILJORN o Pamamahayagan sa Pilipinas)


Kabilang si David Michael San Juan, PhD, sa listahan ng mga nominado sa pagiging kinatawan ng Alliance of Concerned Teachers Party-list para sa Pambansa at Lokal na Eleksyon sa darating na Mayo 2016.
Sa kanyang Facebook post nito lamang Setyembre 13, 2015, sinabi ni Dr. San Juan na buong-puso siyang nagpapasalamat sa pagkakabilang niya sa listahan ng mga nominado. “Wholehearted thanks to the General Assembly/National Convention of ACT Teachers Partylist for including me in its list of nominees for the 2016 elections… Now, I vigorously accept this honor and responsibility as a vote of confidence and further inspiration for Tanggol Wika, Suspend K to 12 Alliance and ACT Private Schools,” ayon kay San Juan. Siya ay miyembro ng ACT Teachers Party-list simula pa noong 2008. Nagtapos siya ng kolehiyo sa Bulacan State University, kumuha ng master’s degree sa Pamantasang De La Salle (DLSU) at doctorate naman sa Centro Escolar University. Sa kasalukuyan ay nagtuturo siya sa DLSU sa ilalim ng Departamento ng Filipino. Ang iba pang mga nominado sa pagiging representative ng ACT Teachers Party-list ay sina Congressman Antonio Tinio (1st nominee), France Castro (2nd nominee), Raymond Basilio (3rd nominee), at Atty. Gregorio Fabros (5th nominee).
Ang ACT Teachers Party-list ay isang sektoral na partido na binubuo ng mga guro at iba pang kawani ng edukasyon. Ilan sa mga pangunahing ipinaglalaban nito ay ang karapatang pang-ekonomiko, kapakanan ng mga guro at iba pang kawani ng edukasyon, at ang maayos na pagpapatakbo ng gobyerno. 



No comments:

Post a Comment